Nabulok, Mabubulok at Di Mabubulok

The semester is almost over and as a parting requirement for us in our subject, Environmental Engineering, our professor asked us to have a rough estimate ng porsyento ng iba't ibang basura na dinidispose namen everyday.  Well, gumawa ako ng simple observation for three days to tally kung ano ano nga ba yung dindispose ko na basura. Plastic? Papel? mga nabubulok ba tulad ng balat ng prutas o buto buto ni Jollibee? Bago ko sagutin yan, tignan niyo muna tong nakalap ko na larawan sa dumaan na tatlong araw.





More or less, yan ang mga basura ko/pamilya ko sa buong araw. Basically saakin yun mga papel, at yung mga balat ng prutas and the rest, ay sa buong family na in general.  60% malamang sa pagkain 40% sa papel. Personally, di naman ako mahilig kumain ng processed food kaya bihira lang makikita sa aking kalat ang mga pinagbalutan ng mga ito.  

Sabe nga nila, may pera sa basura. Kaso hindi siya ganun kasimple kasi kelangan din naten lahat kilalanin ang ating mga tinatapon upang makita ang ginto na nagtatago sa loob nito.  Di man naten lahat ma-apreciate ang value neto sa pera but for me, the real gold behind all these garbage is the promise of a better tomorrow, not only for ourselves but also, for our next generation.

Ang Bato at Ang Ating Mundo

Our topic last meeting was all about the earth.  Kung ano ang bumubuo rito, kung paano ito nagsimula at kung anu-ano pa ang nabubuhay dito.  Luckily, I am sort of familiar with the topic because isa sa mga subjects namen sa high school is sort of about the earth and another is about the environment.  Medyo magulo nga lang before intindihin pero surprisingly, sobrang nakatulong yun para makarelate ako sa mga baga na diniscuss.


Para sakin, earth is something wonderfull to study about.  Naniniwala ako na hindi naten totally nalalaman or kahit naiintindihan ang mga bagay na tumatakbo sa ating mundo.  Imagine if everyone understands that earth is such a wonderful and amazing place to live in, siguro mas dodoble ang effort nateng lahat to save earth.  Kasi ako personally, gusto ko lahat ng anak ko probably hanggang apo sa "talampakan" na makita nila ang natural na kagandahan ng ating mundo.  Ating mundo na isang biyaya ng ating Panginoon.

Well after nung discussion, I took the exam na binilin sa amen ni maam. Surprisingly yung about sa earth 100% ako and yung pangalawa ay 93% (di pala palageng totoo na pag di mo alam C ang sagot, minsan pala B).  So eto yung link for Dynamic Earth Assessment at eto naman for Rock Cycle Assessment. So, para sa topic, me and my bud paul arranged an "earhty" medley for our wonderful earth. 


Full bowl to Empty Bowl

One of the perks in living in an archipelago is having a plenty of beautiful wetlands.  Wetlands are land areas which are surrounded by water. But, sa lahat ng wetlands here in the Philippines Malampaya Sound is the one na nakukuha ng atensyon ko.  The place itself is a very gorgeous attraction and it is also helpful in attracting tourists to visit our simple country.  If you're a local, I believe this is a great place to pause and retreat to all the problems and stress that you might be experiencing at work.  Perfect rin naman dalin ang barkada o si girly/boylet parang mag-bonding sa napakagandang lugar na ito.

Hindi lang pang-atraksyon ang meron sa Malampaya Sound, actually nakakatulong din itong lugar na ito upang buhayin ang mga taong nakatira mismo sa lugar na ito.  Yes, small-scale fishing is the primary livelihood ng mga tao sa lugar.  SMALL SCALE.  Gusto ko yun maemphasize because marameng tao ang nag practice ng environmental exploitation kasama na dito ang mga dayuhan even yung mga banyaga!  It sucks kasi kahit di tayo completely nanginginabang dito, na-jeopardize ng malala ang ating kalikasan.  Illegal logging, illegal fishing and even potential mining are happening.  Pag ito ay nagpatuloy pa, maaring wala na tayong maisda or even worse.

Good thing marameng public and private institutions ang tumutulong ipreserve ang place.  Actually hindi naman naten kaylangan sumali jan para tumulong.  I believe pede na ang mga maliliit na bagay upang makapag contribute tayo like blogging about it.  Kasi ako, gusto ko na pumunta sa place na yan with my future family.  And with everyone helping hand in hand, we can preserve the beauty of Malampaya Sound even a thousand years.

Siklo

Subukan mong kumuha ang isang basong tubig at iyong isipin.  Gaano katagal na kaya itong tubig na to sa mundo?  Kanina? Kahapon lang? O baka naman last week pagkatapos kame mag date ni girly, nag-exist na tong tubig na to.  Well, yung tubig sa baso mo may have fallen from the sky nung nagaabang ka ng announcement ng suspension of class but, I believe na yang tubig mismo ay nandyan simula palamang ng nilikha ang lahat. Paano ito tumagal hanggang ngayon?  Simple, ang tubig ay hindi talaga nauubos, we have this thing called Water Cycle. Ito ay isang proseso kung saan ang tubig ay paikot ikot lamang sa ating kapaligiran.  Yes ang tubig is a limited entity pero dahil sa water cycle, napapanatili ito hanggang ngayon (atleast for now).  


Water cycle is composed of evaporation, condensation, precipitation, and collection. Evaporation is a process in which water turns into water vapor at ito ay umaakyat papunta sa atmosphere.  After evaproating, ang mga water vapor ay bubuo ng clouds.  Ang tawag dito ay Condensation.  Patuloy magkakarong ng condensation but, when the clouds get heavy babagsak ang mga tubig papunta sa lupa basically, uulan or Precipitation.  Then, ang mga tubig ay mapupunta kung saan saan most probably sa mga bodies of water at ito ang last step ng cycle which is Collection. Atsaka uulit ang proseso mula sa simula. Simple lang diba?

As you can see, even nature is doing its part para maging maganda ang takbo ng pamumuhay ng mga living things.  Kung wala itong cylce na ito, I'm sure sobrang hirap.  Pero don't you think na since tumatanda narin ang ating mundong tinitirahan, maganda na isipin naten na let's do our part, parang panahon na ata para ibalik ang pabor.  Mukang tayo naman ang taya sa Siklo. 

What's your number?

A small action can lead into a chain reaction.

Lahat ng tao na nabubuhay sa mundo ay may kanya kanyang pangangailangan at ang sukatan ng iyong demand sa Earth ng mga bagay bagay ng necessary for you to live ay tinatawag na Ecological Footprint. Karapat dapat lang na sinusubaybayan naten ang ecological footprint na ginagamet ng mga tao dahil kung walang bahala tayo sa ganitong bagay, wala ng matitira para sa susunod na henerasyon.  Diba gusto naman ng lahat na ang ating mga anak, apo o kahit great grandson na mabubuhay sila in a world worth living and fighting for? 

It is an awesome feeling na nagkaron ako ng pagkakataon to reflect upon my ecological footprint. My number was 1.9 hectares.  At first akala ko isa lang yang maliit na numero dahil sa aking palagay di naman "high maintenance" ang pamilya ko.  I was wrong.  Imagine na lahat ng tao ay kaparehas ko ng footprint?  Mangangaylangan tayo ng 2 Earth just to support our global needs and to hell with that because we only have one.



Di mo kaylangan ng mahabang math upang malaman ano ang ecological footprint mo.  Marame na diyang mga websites upang tulungan ka tulad nito.  Ano yung sayo? Ano na gagawen mo?

11th hour, the "all hands on deck" time

The movie is an awesome instrument para ilatag sa tao ang maari nilang kahinatnan pag ipag patuloy pa ng mga tao ang kanilang mga pinaggagawa nila laban saakin.  In that movie,  two statements form Kenny Ausubel, co-founder and CEO of Bioneers, strucked me.  He said that "We are the ones who may not survive or, we may survive in a world we don't particularly wanna live in.".  That statement gave me an impression that he really knew the consequence of your actions.  Hindi siya nagbibigay ng takot ngunit nag bibigay siya ng pagasa na hindi pa huli ang lahat. Na may magagawa pa ang mga tao para i-undo everything, every misuse and abuse na ginawa nila. Second statement na talagang nagustuhan ko din is "Probably the greatest weapon for mass destruction is corporate economic globalization.".  Which I believe is very true na because of the greed of such people in our society, the lives of yourselves, family, and loved ones are being jeopardized.

Another personality that caught may attention is James Hillman.  He said that "To think that we are separated
from nature is somehow a thinking disorder".  Alam niyo, tama siya ee.  I mean God created us to help each other I believe.  We are some sort of partners in crime but, to think that we are separated from each other is something difficult to digest.  I can't understand why people that way pero di parin ako nawawalan ng pag asa dahil may mga tao pang katulad ni James Hillman.

As the movie approaches the credits, nagpresent sila ng possible solution and ways para ayusin ang lahat including their mindset.  I believe na every small action could start a chain reaction.  Bago mo solutionan ang "corporate economic globalization" di kaya dapat tignan mo muna sa sarili mo ang tamang solusyon para sa pagbabago at sa ikabubuti ng nakakarami? Sinabe nasa sa documentary ang halos lahat ng dapat mong makita. ang tanong ngayon, ano na ang gagawin mo?




Bakit nga ba?


"The important thing is not stop questioning. Curiosity has its own reason for existing."
                     - Albert Einstein


Sa katagal-tagal kong pagoobserba sa ugali ng tao napansin ko na habang tumatagal marame kayong iniindang problema, mula sa iniinda ng karamihan na global warming hanggang sa indivual na problema katulad ng mga may kaugnayan sa buhay pagibig.  Ang tanong, bakit habang tumatagal mas marame pa ata ang dumarating na problema kaysa sa mga permanenteng solution sa mga problemang hinarap o hinaharap ninyo initially?  Siguro, the most logical answer with that question is that the reason why problems grow rather than solutions ay dahil ang mga naiisip nateng solusyon ay pang panandalian lamang. Paano kukuha ng permenanteng solusyon sa problema? Simple lang, solusyonan mo ang ugat ng iyong problema.  Dito papasok ang likha ng pamilya ng aking matalik kaibigan sa DBTC.  Lagi niyang iniinda ang trapik na kanyang naranasan sa kanyang pagbyahe mula Mandaluyong hanggang Pasig.  Gumawa siya ng Root Cause Analysis  to determine ano ba talaga ang kanyang problema.


Click here to enlarge the picture.

Click here to enlarge the picture.

Napansin na ang kadalasan na dulo ng kanyang problema ay poverty at ang problema sa di maintindihan na panahon.  Oo MAHIRAP solusyonan ang ganyang problema, mahirap kung ikaw ay nagiisa.  Naniniwala ako na pag nagtulong tulong lahat ng tao na solusyonan ang mga mabibigat na problemang iyan, di malabong masosolusyonan nadin ang mga simpleng problema in the process. Kaylangan lang ng sincerity, determination  at siempre "KAPIT BISIG".  



Pinapagana ng Blogger.

Popular Posts

Blogger templates

Popular Posts