"The important thing is not stop questioning. Curiosity has its own reason for existing."
                     - Albert Einstein


Sa katagal-tagal kong pagoobserba sa ugali ng tao napansin ko na habang tumatagal marame kayong iniindang problema, mula sa iniinda ng karamihan na global warming hanggang sa indivual na problema katulad ng mga may kaugnayan sa buhay pagibig.  Ang tanong, bakit habang tumatagal mas marame pa ata ang dumarating na problema kaysa sa mga permanenteng solution sa mga problemang hinarap o hinaharap ninyo initially?  Siguro, the most logical answer with that question is that the reason why problems grow rather than solutions ay dahil ang mga naiisip nateng solusyon ay pang panandalian lamang. Paano kukuha ng permenanteng solusyon sa problema? Simple lang, solusyonan mo ang ugat ng iyong problema.  Dito papasok ang likha ng pamilya ng aking matalik kaibigan sa DBTC.  Lagi niyang iniinda ang trapik na kanyang naranasan sa kanyang pagbyahe mula Mandaluyong hanggang Pasig.  Gumawa siya ng Root Cause Analysis  to determine ano ba talaga ang kanyang problema.


Click here to enlarge the picture.

Click here to enlarge the picture.

Napansin na ang kadalasan na dulo ng kanyang problema ay poverty at ang problema sa di maintindihan na panahon.  Oo MAHIRAP solusyonan ang ganyang problema, mahirap kung ikaw ay nagiisa.  Naniniwala ako na pag nagtulong tulong lahat ng tao na solusyonan ang mga mabibigat na problemang iyan, di malabong masosolusyonan nadin ang mga simpleng problema in the process. Kaylangan lang ng sincerity, determination  at siempre "KAPIT BISIG".