Subukan mong kumuha ang isang basong tubig at iyong isipin.  Gaano katagal na kaya itong tubig na to sa mundo?  Kanina? Kahapon lang? O baka naman last week pagkatapos kame mag date ni girly, nag-exist na tong tubig na to.  Well, yung tubig sa baso mo may have fallen from the sky nung nagaabang ka ng announcement ng suspension of class but, I believe na yang tubig mismo ay nandyan simula palamang ng nilikha ang lahat. Paano ito tumagal hanggang ngayon?  Simple, ang tubig ay hindi talaga nauubos, we have this thing called Water Cycle. Ito ay isang proseso kung saan ang tubig ay paikot ikot lamang sa ating kapaligiran.  Yes ang tubig is a limited entity pero dahil sa water cycle, napapanatili ito hanggang ngayon (atleast for now).  


Water cycle is composed of evaporation, condensation, precipitation, and collection. Evaporation is a process in which water turns into water vapor at ito ay umaakyat papunta sa atmosphere.  After evaproating, ang mga water vapor ay bubuo ng clouds.  Ang tawag dito ay Condensation.  Patuloy magkakarong ng condensation but, when the clouds get heavy babagsak ang mga tubig papunta sa lupa basically, uulan or Precipitation.  Then, ang mga tubig ay mapupunta kung saan saan most probably sa mga bodies of water at ito ang last step ng cycle which is Collection. Atsaka uulit ang proseso mula sa simula. Simple lang diba?

As you can see, even nature is doing its part para maging maganda ang takbo ng pamumuhay ng mga living things.  Kung wala itong cylce na ito, I'm sure sobrang hirap.  Pero don't you think na since tumatanda narin ang ating mundong tinitirahan, maganda na isipin naten na let's do our part, parang panahon na ata para ibalik ang pabor.  Mukang tayo naman ang taya sa Siklo.